Una sa Balita

4 mag-uutol swak sa droga

By
0 257

MAGKAKASAMANG isinelda ang apat na magkaka­patid na lalaki na umano’y pawang nagtutulak ng iligal na droga makaraang maaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Joselito T. Esquivel Jr., ang magkakapatid na naaresto na sina Lino Celestino, alias Chris, 45; Benjamin Celestino, 54; Norman Celestino, 48; pawang naninirahan sa Brgy. Greater Fairview, at Roberto Celestino, 42-anyos ng Brgy. Sta Lucia.

Sa report ng Fairview Police Station (PS 5) na pinamumunuan ni PSupt Benjamin Gabriel Jr., nakatanggap ng tip ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kaugnay sa illegal drug activity ng magkaka­patid kaya tiniktikan ito ng kanyang mga operatiba.

Nang mag-positibo ang impormasyon ay agad na bumuo ng team ang SDEU at nagkasa ng ‘drug bust’ laban sa mga suspek dakong alas-11:50 nang gabi (February 19), sa Orchids St., Brgy. Greater Fairview.

Isa sa mga pulis ang tumayong buyer at habang nagpapalitan ng pera at shabu ang magkabilang panig ay lumantad naman sa kanilang pinagtataguan ang mga kasamang awtoridad at agad na pinosasan ang magkakapatid.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy