Una sa Balita

4 mag-anak todas sa sunog

0 211

Apat na miyembro ng isang pamilya ang nasawi nang matupok ang dalawang palapag na bahay ng mga ito sa isang subdibisyon sa Cabuyao City, Laguna Biyernes ng madaling-araw.

Sa ulat ng Cabuyao City police, natupok ang bahay na pag-aari ni Baldomero Gayol, isang insurance agent, sa Millwood Subd., Brgy. Pulo, mag-aalas-2:00 ng madaling araw.

Nasawi ang 54-anyos na si Gayol kasama ang misis nitong si Jennifer, 54; ang anak na binata na si Rommel Gayol, 27; at apo na si Sofia Arabella, 8-anyos.

Magkakasamang natagpuan ang labi ng apat na biktima sa loob ng comfort room sa ikalawang palapag ng bahay.

Sa imbestigasyon, suffocation ang ikinamatay ng mga biktima.

Natutulog umano ang mga ito sa second floor nang sumiklab ang sunog sa ground floor at mabilis na kumalat.

Nakulong at hindi na nakalabas ang mga biktima sa itaas dahil sa mga steel grills sa bintana at sarado rin umano ang fire exit.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ng Cabuyao BFP, isang naiwang nakasaksak at naglagablab na appliance ang pinagmulan ng sunog. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy