Una sa Balita

4 kulong sa pagtangay ng ₱200K condenser

0 231

HULI ang apat na maintenance personnel ng isang mall matapos tanga­yin ang pitong unit ng condenser na nagkakahalaga ng P200K sa bubong ng isang kompanya sa Tagaytay City, Cavite.

Kinilala ang mga suspek na sina Rodefel Bitoon, 42; Fernando Calamba, 47; Deo Halili, 48; at Lope Olaya, 49, ng Lumang Poso Brgy. Lalaan 2nd, nagtatrabaho sa Olivarez Plaza dahil sa reklamo ni Iriz Gaille Palis, 36, Regional Manager ng UNO Outlet.

Sa ulat ni P/MSgt. Jude Camitan ng Tagaytay City Police, dakong alas-4:30 kahapon nang madaling-araw nang maaresto ang mga suspek na nakilala sa pamagitan ng cctv footage na tuma­ngay ng 7 condense­r na nakakabit sa bubong ng UNO Factory Outlet sa Brgy. San Jose, Tagaytay City. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy