4 kubrador ng jueteng dinakma sa CL

By

Apat na kubrador ng jueteng kabilang ang dalawang babae ang dinakip ng awtoridad at nakakumpiska din ng jueteng paraphernalia matapos magsagawa ng kampanya laban sa illegal gambling ang kapulisan sa lalawigan ng Bulacan, Pampanga, at Tarlac kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Supt. Amador V. Corpus, regional director ng Police Regional Office 3 (PRO3), ang mga naarestong sina Abigail Castro y Rivera, 34, dalaga, ng Barangay Niugan, Angat, Bulacan at Eliza Dolorez Due, 34, may-asawa, ng Miranda Compound, Barangay Maimpis, San Fernando City, Pampanga.

Nadakip din sina Enrimo Cruz y Mercado, 51, administrative aide ng LGU-Guagua, ng Barangay Pulong Santol, Porac, Pampanga at gayundin si Ronnie Dizon y Pascual, may-asawa, ng Barangay Pando, Concepcion, Tarlac at pawang nakadetine ngayon ang apat na nadakip at nahaharap sa kasong illegal gambling.

Sa Bulacan, nakorner ng pulisya ang kubrador ng jueteng na si Castro sa Barangay Niugan, Angat matapos mahuli sa aktong nangungubra ng taya sa jueteng at makuha sa kanyang pag-iingat ang P1,991 cash, apat na bundle na papelitos, mga ballpen, at mga taya. 

SHARE