Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 kidnapper ng Chinese utas sa engkuwentro

0 139

Patay ang apat na miyembro ng kidnap for ransom group na dumukot sa isang Chinese national matapos ang naganap na engkwentro na pinamunuan ng Philippine National Police- Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng apat na napatay na suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng Waray-Waray KFRG na inuupahan umano ng isang Chinese syndicate para mandukot ng kanilang mga kababayang may pera.

Ligtas namang nabawi ang Chinese na dinukot ng grupo.

Ayon kay PNP-AKG Director Police Brig Gen. Jonnel Estomo, naganap ang engkwentro alas-4:45 Biyernes ng madaling-araw sa Sta. Maria Steet ng nasabing barangay.

Nauna dito, Huwebes ng gabi habang nakatayo ang magkaibigang Li Cheng 28, at Zhi Fu, pawang Chinese national, sa UP town Center nang bigla na lang pumarada sa harapan nila ang itim na Toyota Vios at agad nagsibaba ang mga armadong lalaki.

Nakuhang kunin ng mga suspek si Zhi Fu habang si Cheng naman ay nakatakbo palayo.

Matapos ang pangyayari ay agad na tumuloy si Cheng sa tanggapan ng PNP-AKG sa Camp Crame upang iulat ang pagdukot sa kanyang kaibigan subalit habang kinukuna siya ng pahayag ay nag-message sa kanya sa pamamagitan ng WeChat ang kaibigan niyang dinukot at sinasabing hawak siya ng mga kidnapper at humihingi ang mga ito ng P20 milyon para pakawalan.

Nagkaroon ng negosayon na lingid sa kaalaman ng mga suspek ay mga tauhan na ng AKG ang kanilang kausap sa WeChat hanggang sa bumaba sa P5 milyon ang demand ng mga kidnapper.

Nakuha na rin ng mga tauhan ng AKG ang lokasyon ng mga suspek sa tulong ng WeChat locator.

Dito na nagtungo ang awtoridad sa lokasyon ng mga suspek, subalit palapit pa lang ang pulisya sa target na bahay ay pinaulanan na sila ng bala ng mga suspek at naganap na ang engkwentro na ikinasawi ng apat na suspek at ligtas na pagbawi sa kidnap victim.

Nakuha sa mga suspek ang apat na baril, granada at hindi pa batid na dami ng shabu. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.