Una sa Balita

4 katao natusta sa sunog sa North Cotabato

By
0 469

PATAY ang apat katao kabilang ang isang buntis matapos na hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay kahapon nang mada­ling-araw sa bayan ng Arakan, North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Ronie Monteser, 44, anak nitong buntis na si Mary Jane, 19, asawang si Rainhart Carugda, at 1-anyos nilang anak, pawang residente ng Sitio Little Baguio, Barangay Meocan ng nabatid na bayan.

Sa ulat ni SFO2 Ronald Valle ng Arakan Bureau of Fire Protection (BFP), naganap ang insidente dakong ala-1:45 nang mada­ling-araw habang nasa kasarapan ng tulog ang mga biktima nang magsimula ang sunog sa dalawang palapag na ancestral house ng pamilya.

Dahil sa luma na ang bahay, dagdag pa ang pagsabog ng motorsiklo sa garahe, mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan dahilan upang ma-trap sa loob nito ang mga biktima.

Sa ngayon ay ina­alam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog habang aabot naman sa P60,000 ang naiwang danyos ng nabatid na sunog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More