Una sa Balita

4 kaso vs ex–solon sa pork barrel

By ,
0 2

Apat na kaso ang isinampa ng Office of the Ombudsman sa isang da­ting congressman ng Lone District ng Eastern Samar at 6 iba pa, dahil sa anomalya sa paggamit ng pork barrel.

Bukod sa dalawang kaso ng katiwalian, da­lawang counts pa ng kasong malversation of public funds ang isinampa ng Office of the State Pro­secutors (OSP) ng Ombudsman laban kay dating Eastern Samar Rep. Teodulo Coquilla.

Maliban sa dating mambabatas ay kinasuhan din ng tig-dalawang kaso ng katiwalian at malversation of public funds ang apat na opisyales ng National Agribusiness Corporation (Nabcor) na sina Alan Javellana, Encarnita Cristina Munsod, Ma. Julei Villaralvo-Johnson at Romulo Relevo.

Damay din sa kaso sina Margie Luz at Ma. Cristina Vizcarra ng Gabaymasa Development Foundation (Inc) na ngayon ay Pagwadan Foundation Inc., na siyang nag-implementa umano sa pork barrel ni Coquilla.

Base sa isinampang kaso ng mga state prosecutors, noong Enero 2008, inendorso ni Coquilla ang Gabaymasa Foundation sa Nabcor para sa pagpapatupad ng kanyang proyekto na nagkakahalaga ng P4.3 million.

Subalit tulad ng una, hindi umano totoo ang proyekto.

Samantala, dagdag na kaso ang isinampa laban kay dating North Cotabato Representative at ngayo’y North Cotabato Vice Go­vernor Gregorio Ipong sa Sandiganbayan kaugnay ng umano’y ilegal na paggamit ng 2007 pork barrel funds.