Una sa Balita

4 kabataan tumilapon sa nadiskaril na rides sa karnabal

0 197

SUGATAN ang apat na kabataan matapos na madiskaril ang sinasak-yan nilang rides sa isang karnabal at tumilapon ang mga ito kamakalawa nang gabi sa Donsol, Sorsogon.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Donsol District Hospital matapos magtamo ng mga su-gat, pilay at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang nakilalang si Rhea Janel De Los Reyes, 15-anyos; Jefferson Advincula,14; John Eric Abrantes Jr y Hernandez, 14; at Angelo Pidot, 16, pawang residente ng Brgy. Awaii ng nabanggit na bayan.

Samantala nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ng pulisya ang may-ari ng rides na nakilalang si Jessie Dancel Ventura, 54, re-sidente ng Brgy. Kilicao, Daraga, Albay.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:40 nang gabi ng sumakay ang mga biktima sa Disney ride sa isang peryahan sa Sitio Buang, Brgy. Rawis ng nasabing bayan.

Subalit habang tumatakbo ang ride ay may ilang piyesang nakalas dito dahilan upang tumilapon ang mga biktima at nagtamo ng pinsala sa katawan dahil sa walang anumang nakakabit na safety harness sa mga ito. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy