Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 illegal logger dampot sa Subic

0 122

Nasakote ng grupo ng Criminal Investigation and Detection Group-City Field Unit Olongapo ang halos 900 board feet ng punong kahoy na Gmelina, na walang kaukulang permit sa Brgy. Aningway-Sacatihan sa Subic, Zambales.

Nadakip nitong Biyernes ang mga suspek na kinilalang sina Pablito Dimacusa, Romano Dolohan, Robert Romero at Daniel Hermoso.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang chainsaw, at iba pang gamit pamutol pang troso.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng CIDG-CFU Olongapo ang apat na suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 78 ng Presidential Decree No. 705 at Chainsaw Act of 2002. (Randy Datu)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.