Una sa Balita

4 holdaper todas sa engkuwentro

0 294

APAT na hinihinalang miyembro ng robbery-holdup group ang napatay ng pulisya sa isang engkuwentro na naganap sa kahabaan ng Tomoteo Road, Sitio Dudurot-Paligue, Brgy. Colgante, Apalit, Pampanga kahapon nang madaling-araw.

Lulan umano ang mga suspek sa isang Toyota Innova na may plakang NCF-409 matapos holdapin ang isang convenience store sa kalapit na Brgy. San Vicente nang harangin sila ng mga rumespondeng pulis dakong alas-4:45 nang madaling-araw.

Pero sa halip na tumigil pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis na napilitan gumanti ng putok. Kasunod nito, isang maiksing palitan ng putok ang namagitan sa magkabilang panig.

Matapos ang putukan nakitang nakabulagta ang mga suspek sa loob ng kanilang sasakyan na tadtad ng tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Col. Jean Fajardo, acting director ng Pampanga Police Provincial Office, agad rumesponde ang kanyang mga tauhan matapos makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen tungkol sa naganap na holdapan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint operation sa naturang lugar ang police team na pinamumunuan ni Lt. Col. Elmer Decena ng makatanggap sila ng impormasyon ukol sa pangyayari.

Nabawi ng pulisya mula sa mga napatay na suspek ang da-lawang kalibre .45, isang kalibre .9mm at halaga ng pe-rang ninakaw ng mga ito.

Kasalukuyang inaalam pa ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga suspek dahil pawang walang dala na identification card ang grupo habang ginagawa ang krimen. (Rudy A­bular/Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy