Una sa Balita

4 hepe ng CALABARZON sibak sa jueteng

By
0 130

Sibak sa pwesto ang apat na chief of police ng PRO-4A o CALABARZON matapos mabigo sa kampanya laban sa illegal na sugal.

Kabilang sa mga sinibak sina San Pedro City COP Supt. Zeric Soriano,  Lipa City COP Supt.  Barde, Sto. Tomas, Batangas COP Supt. Giovanni Zibalo at San Pablo City COP Supt. Ronan Claraval.

Ayon kay PRO CALABARZON Regional Director Chief Supt. Mao Aplasca, binigyan niya ng sapat na panahon ang apat na chief of police para ipahinto ang jueteng at iba pang sugal sa kanilang area of responsibility, subalit nabigo umano ang mga ito.

Ang mahigpit na kautusan sa mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) laban sa illegal na sugal ay alinsunod sa direktiba ni PNP chief Ronald dela Rosa sa lahat ng Regional Directors na ipahinto ang lahat ng uri ng illegal gambling sa loob ng 15 araw.

Nagbabala si Aplasca sa iba pang chief of Police na hindi s’ya mangingiming sibakin sa pwesto ang mga ito kung hindi mahihinto ang operasyon ng illegal gambling sa kanilang lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy