Una sa Balita

4 drug suspect sa northern Luzon todas

By
0 264

CORDILLERA — Apat-katao na itinuturing na kabilang sa drug personality ang tumimbuwang sa magkahiwalay na lugar sa northern Luzon bilang bahagi pa rin ng Oplan Tokhang.

Bumulagta ang kauna-unahang babaeng drug personality sa Lungsod ng Baguio makaraang taniman ng tatlong punglo sa katawan ng hindi pa nakilalang salarin.

Kinilala ni P/Sr. Insp. Millenium Bantas, Station Commander ng Baguio City Police Station 7 ang biktima na si Chona Oliveros, 47-anyos, isang manikurista at nasa no. 1 sa drug watch list ng Baguio City Police Office (BCPO) Station 2.

Sa Lagangilang, Abra, pinagbabaril din ng hindi pa nakilalang suspek si Nolie Beng-ad Hermoso, 47-anyos, may asawa na bumulagta sa Public Market ng Brgy. Laang sa nabanggit na bayan.

Nasa drug watch list umano ng pulisya ang pangalan ng biktima.

Sa Urdaneta City, Pangasinan, patay din ang riding-in-tandem matapos makipagbarilan sa mga awtoridad nang takasan ng mga ito ang inilatag na checkpoint sa Brgy. Paitan East ng lungsod na ito.

Kinilala ni P/Supt. Marcellano Desamito, Chief of Police ng Urdaneta City Police Station ang isa sa mga suspek na si Rolando Silatore at residente sa Barangay Valle Cruz, Cabanatuan, Nueva Ecija habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasamahan nito.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad dito, may binaril umanong drug suspect ang dalawa kaya naglatag ng checkpoint ang mga awtoridad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy