Una sa Balita

4 drug personality todas sa magkasunod na drug op sa Nueva Ecija

0 511

APAT na pinaghihinalaang drug personality ang napatay sa magkasunod na police ope­ration sa Nueva Ecija kahapon nang madaling-araw at noong Sabado.

Ayon sa mga isi­numiteng ulat kay Police Colonel Leon Victor Rosete, Nueva Ecija police director, nakilala ang mga nasawi na sina Jervis Lubao Santos, residente ng Brgy. Macasandal, Gabaldon, Nueva Ecija; Fernando Co Lopez, 45, residente ng Tarlac City at tubong Brgy. Poblacion West Umingan, Pangasinan; George Casipe Niño, 34, residente ng 42 Agudo St. Caloocan City at isang Alyas Jun.

Nabatid mula kay Cabanatuan City-Drug Enforcement Unit (DEU) head Police Captain Ronan James Eblahan na kahapon nang madaling-araw inilatag ang anti-illegal drugs operation sa 10th Street, Phase 2, Brgy. Kapitan Pepe, Cabana­tuan City.

Kapwa naka-engkuwentro sina Santos at Alyas Jun na nakunan ng tig-isang caliber .38 revolver, P500 buy-bust marked money at umaabot sa 15 sachet ng shabu.

Sa ulat ni Police Co­lonel Heryl Bruno ng San Jose City sa may Zone 9 Brgy. Abar 1st, ng naturang lungsod naka-engkuwentro sina Lopez at Niño.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy