Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 dinampot sa pagtapyas ng puno

0 49

TIMBOG ang apat na lalaki matapos mahuli sa aktong pinuputol ang mga puno ng acacia gamit ang chainsaw sa bayan ng Tabuk, Kalinga nitong Sabado, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa ulat, base na rin sa report kay DENR Secretary Roy A. Cimatu, sinabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na ang inaresto ay sina Vincent Dalanao, Archie Cadalina, Victor Manya-aw at Fioni Tamaw.

Ayon kay Antiporda, ang mga suspek ay naaktuhan ng DENR Environmental Law Enforcement and Protection Service (ELEPS) na pinuputol ang malaking puno ng acacia gamit ang isang chainsaw sa bulubundukin ng bayan ng Tabuk.

Nakumpiska ng ahensya kasama ang Kalinga Provincial and Community Environment and Natural Resources, DENR-Cordillera Administrative Region, at DENR’s Anti-Illegal Logging Task Force ang mga illegal na pinutol na puno ng acacia at chainsaw. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.