Una sa Balita

4 dinampot habang abala sa pot session

0 3

Arestado ang tatlong kalalakihan at isang babae habang abala ang mga suspek sa isinasagawang pot session ng ilegal na droga sa lungsod ng Bacoor Cavite, dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Ronan Claravall, OIC ng Bacoor Police, ang mga nadakip na suspek na sina Mary Grace Alarcon, 37-anyos, Daniel Varanda, 31, Cesar Eusebio, 32, at Angel De Leon, 30-an­yos, pawang mga residente ng Barangay Zapote 1 at 2 sa nasabing lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni P/Supt. Claravall hinggil sa tala­mak at ilegal na aktibida­des ng grupo, kaya’t agad itong nirespondehan ng mga intel operatives.

Abante Hiring – IT dep

Nakumpiska sa mga suspek ang 4 na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng shabu at iba pang drug paraphernalia. (Rossel Calderon)