Una sa Balita

4 dinamba sa paglalaro ng mahjong sa Ilocos

0 376

SA kasagsagan ng enhanced community quarantine, dinamba ng Narvacan Police Station, Ilocos Sur ang apat na nasa aktong naglalaro ng mahjong sa Barangay Codoog, Narvacan noong Sabado.

Kinilala ng Narvacan Police Station (NPS) ang mga suspek na sina Cristobal Cansino, 63; Grace Cardena, 44; Sally Cabañero, 52 at Herminia Cabang, 70, pawang taga nasabing barangay.

Ayon kay NPS chief-of-police P/Capt. Arcadio Viloria, nakatanggap umano ng tawag sa telepono sa isang concerned citizen ng nasabing barangay na nasa labas ang mga suspek at naglalaro ng mahjong kahit may kautusan na lumagi sa loob ng tahanan dahil sa COVID-19.

Dahil dito, agad na inutusan ni Viloria ang kanyang mga tauhan sa anti-gambling unit para magsagawa ng pagsalakay at dinamba ang mga suspek habang naglalaro ng mahjong.

Dinala ang mga suspek sa NPS kasama ang gambling paraphernalia at pera na ginagamit sa pagsusugal at sinampahan ng anti-illegal gambing. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More