Una sa Balita

4 congressman, 2 governor dinagdagan ng police escort

0 301

APRUBADO ng Philippine National Police (PNP) ang aplikasyon ng apat na congressman at dalawang gobernador mula sa Region 6 para sa karagdagang security personnel kaugnay ng darating na eleksyon.

Kinilala ni Regional police director General John Bulalacao ang mga ito na sina Iloilo Governor Arthur Defensor Sr., Antique Governor Rhodora Cadiao, Iloilo City Rep. Jerry Trenas, Iloilo Rep. Raul Tupas (5th district), Antique Rep. Paolo Javier at Bacolod City Rep. Greg Gasataya.

Inirekomenda ni Bulalacao ang aplikasyon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Ang nasabing anim na opisyal ay bibigyan ng 2 police escort.

“So far ito lang muna ang na-approve na requests ng mga kandidato. We can only give them at most two police escorts kasi kung marami kukulangin tayo ng tao,” sabi pa ni PNP chief. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy