Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 Chinese yate sinamsam ng PH Coast Guard

0 237

Hinila ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 4 na hinihinalang puslit na Chinese yatch na minamando ng 6 Pinoy crew kamakalawa ng madaling araw sa Manila International Container Terminal (MICT) Private Pier sa Maynila.

Nalaman na hinila ang mga kahina-hinalang yatch na may pangalang Yue Hai Ming Zhu, Gu Cheng Ganv Guan, Le Boss at Yuzhen 8.

Iniimbestigahan naman ang Pinoy na sina Angelo Casimero, Rio Mar Hormillosa, Albert Casimero, Christian Joy Blancaflor, Jerryco Magno at Banadicto Calinyao, pawang crew ng mga yatch; Boat Captain Yue Hai Ming Zhu at Boat Captain Le Boss.

Alas-2:00 ng madaling araw nang magkoordinasyon ang Task Force Aduana, Customs Intelligence and Investigation Service ng Bureau of Customs, Coast Guard Intelligence Group NCR – Central Luzon, at Coast Guard District NCR – Central Luzon para inspeksiyunin ang mga yate na walang papeles.

Alas-3:30 ng hapon, lumutang ang isang Chinese-Filipino na si Cristo Uy at nagpakilalang corporate secretary ng korporasyon na nagmi-maintain sa mga yachts na binili aniya ng korporasyon pero wala itong maipakitang dokumento. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.