Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 Chinese kidnaper todas sa engkuwentro

0 198

Bumulagta ang apat na Chinese national na hinihinalang mga miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) group matapos silang makipagputukan sa mga awtoridad habang inililigtas ang kababayan nilang negosyante na dinukot ng mga ito sa Cebu City noong Lunes ng gabi.

Base sa report ni PNP Anti-Kidnapping Group director Brig. Gen. Rudolph Dimas, kinilala ang mga napatay na suspek na sina Jinming Gong, Yiping You, Fengqiang Li at Heng Lin na mula sa Guangdong, Shandong at Fujan sa China.

Ayon sa report, patungo sa Mactan Newtown Complex sa Lapu-Lapu City ang biktimang si Lyu Xingoi, isang Chinese business nang tutukan siya ng baril ng mga suspek sa loob ng kanyang garahe sa Brgy. Lahug, Lapu-Lapu City, kinaladkad papasok sa itim na AUV at saka dinala sa kanilang safehouse noong Mayo 25.

Sinabi ni Dimas na tumangging sumuko ang mga suspek at nauna pang pumutok habang nasa loob ng inuupahan nilang apartment sa Block 9, Lot 14, Sevilla St., Aldea del Sol Subd., Brgy. Bangkal, Lapu-Lapu City kaya gumanti ang mga tauhan ng Lapu-Lapu City intelligence police, AKG Central Visayas at Regional Intelligence Division-Regional Special Operations Group.

Nauna rito’y humirit ang mga suspek ng isang milyong Renminbi (RMB) bilang ransom sa pamilya ng biktima pero hanggang RMB 500,000 lang ang kayang ibigay nito.

Natunton ng AKG VFU ang safe house ng mga suspek sa pamamagitan ng online portal na ginamit ng pamilya ng biktima.
Inaalam pa ng pulisya kung may kasabwat ang mga napatay na suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.