4 carnappers nalambat sa ‘katayan’

By

Apat na suspected carnapper ang naaresto matapos salakayin ng PNP-Highway Patrol Group ang isang bahay sa Greenwoods Subd., Cainta, Rizal.

Kinilala ang mga dinakip na sina Hanin Benito, Ibrahim Benito, Sherwin Villamin at Marvin Villami.

Inaresto ang mga ito sa bahay na hinihinalang ‘katayan’ ng mga carnap na sasakyan.

Sa report ni Chief Insp. Sally Mangacop, Deputy Chief ng Task Force Limbas, nag-ugat ang kanilang operasyon sa sumbong ng operator at driver ng Je­wel Faith Taxi na hinoldap kamakalawa sa bahagi ng C-5 Road sa Taguig City. Dahil sa nakakabit na GPS sa taxi, na-‘trace’ ng pulisya ang sasakyan sa garahe ng bahay na pag-aari ng isang Mohammed Darapa.

Huli sa akto ng mga pulis ang mga suspek na binabaklas ang wirings at tinutuklap ang mga sticker ng taxi.

Kinilala naman ng nabiktimang taxi driver ang dalawa sa mga suspek na mismong nangholdap sa kanya.

Narekober din sa bahay ang isang itim na Hyundai na kotse na may plakang NPO-115 at Toyota Fortuner na may plakang FAR-88.


SHARE