Una sa Balita

4 cabinet secretary imbestigahan sa korapsyon – Duterte

By
0 2,505

Pinaiimbestigahan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang apat na miyembro ng kanyang gabinete dahil sa isyu ng korapsyon.

Ang pangalan ng apat na kalihim ay kasama sa listahan ng mga opisyal ng gobyerno na pinaiimbestigahan dahil sa hinalang may bahid ng katiwalian.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala siyang kopya ng listahan pero seryoso aniya ang Pangulo sa kampanya nito laban sa korapsyon.

Kabilang umano sa ipinabubusisi ng Pangulo sa apat na kalihim nito ay may kinalaman sa hindi maipaliwanag na yaman, hindi maipaliwanag na gastos at maraming kinuhang consultant habang ang isa pa may kaibigan gdrug lord at gunrunning syndicate.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More