Una sa Balita

4-buwang buntis patay sa dengue sa Pangasinan

By
0 182

NASAWI ang apat na buwang buntis matapos tamaan ng sakit na dengue ng Brgy. Sagud Baley, San Fabian, Pangasinan noong Martes nang umaga.

Kinilala ng San Fabian Police Station (SFPS) ang biktima na si Diana Fortes, 20-anyos, ng nasabing barangay.

Sa pahayag ng kasintahan ng biktima sa SFPS, nagsimula lamang ito sa simpleng lagnat at pagsusuka ang naranasan ni Fortes na buong akala niya ay normal lang sa isang buntis.

Abante Hiring – IT dep

Ayon pa sa nobyo, umabot sa sobrang init ng lagnat ng kasinta­han at halos hindi na ito makalakad kung kaya’t nagdesisyon na siyang dalhin sa ospital ang biktima.

Umabot ng walong araw si Fortes sa pagamutan hanggang sa binawian siya ng buhay kasama ng kanyang pinagbubuntis.

Ayon naman sa health officials ng San Fabian, walang pinipi­ling edad, kasarian at kondisyon ang dengue virus.

Sa datos ng Panga­sinan Health Office (PHO), tumaas ng 90 percent ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan mula buwan ng Enero hanggang Agosto kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon na mas mababa.

Ang dengue virus ay isang sakit na dinala ito ng lamok na namamahay sa nangi­ngitlog sa mga stagnant water.

Pinayuhan ng PHO ang mga residente ng nasabing lalawigan na maglinis ng kanilang bakuran at tanggalin ang nakaimbak na tubig na puwedeng pamahayan ng manok.