Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 bomb maker, 2 komunista sumurender

0 195

APAT na bombmakers at dalawang komunista ang sumuko sa magkahiwalay na okasyon sa Sultan Kudarat, ayon sa opisyal ng Philippine military.

Sinabi ng 6th Infantry Division commander at concurrent head ng Joint Task Force Central (JTFC) ng army na si Maj. Gen. Juvymax Uy na isinuko rin ng mga rebelde ang mga armas at pampasabog nila sa 40th Infantry Battalion (IB).

Isinagawa ang pagsuko ng mga dating terorista at kanilang mga armas sa 40IB headquarters sa President Quirino, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sinabi ni Lt. Col. Edwin Alburo, ang 40IB commander, na ang apat na extremists ay kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), habang ang dalawa naman ay kasama ng New People’s Army rebels na Army Guerilla Front 73.

Sinabi pa ni Alburo na ang isa sa mga BIFF members ay umamin pa sa kanya na kolektor siya ng “protection money” ng Dawlah Islamiya (DI), na kilalang kaalyado ng BIFF.

Sinabi pa nito na ang BIFF members ay nasa ilalim ng Kagui Karialan faction, na kilala sa bomb-making at fabrication ng explosive devices. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.