Una sa Balita

#4 bokya vote kay Ping: Senatoriable retokado ang mukha, credential

By
0 1,665

Tila pamigay na ang pinakabagong blind item na inilabas ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa kanyang Twitter account.

Ang kandidatong ito sa pagka-senador ayon kay Lacson, ay may retokadong mukha at peke ang ipinapakitang ngiti at ugali sa mga botante.

Maging ang kanyang adbokasya at credentials ay pineke rin upang maloko ang mga botante.

Banat pa ni Lacson, kahit pekeng boto, hindi niya ibibigay sa kandidatong hindi niya pinangalanan.

“Candidates who won’t get my vote –
Candidate No. 4: Face, smile, cha­racter, credentials, advocacy – all fake. This candidate is not deserving even of a fake vote,” ayon sa tweet ni Lacson nitong Martes.

Ito na ang ikaapat na hulaan portion ni Lacson sa kanyang Twitter account. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy