Una sa Balita

4 Bohol State U officials, sinibak

By
0 2

Nakasipat ng probable cause si Ombudsman Conchita Carpio Morales para tuluyang asuntuhin sa Sandiganbayan ang ilang opisyales ng Bohol Island State University (BISU) bunsod ng “splitting procurement projects” na nagbigay-daan sa iligal na pagbili ng isang mini dump truck nagkakahalaga ng P402,800 noong 2009.

Kabilang sa mga kinasuhan sina BISU President Elpidio Magante, Director Lorenzo Sarigumba, Dean Ambrosio Orillos at Instructor Alan Jaum sa paglabag sa Government Procurement Reform Act (Republic Act No. 9184) at Falsification of Public Documents (Article 171, Revised Penal Code).

Sa impormasyon mula sa Commission on Audit (COA), lumilitaw na biniyak ng mga nasabing university official ang procurement sa dalawang proyekto para malusutan ang rekisitos sa public bidding.

Napatunayan din umano ng Ombudsman na ang grupo ni Magante ay guilty sa grave misconduct kaya ibinalandra sa mga ito ang penalty na dismissal gayundin ang accessory penalties na “cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits, perpetual disqualification from holding public office,” at ba­wal na rin ang mga ito na kumuha ng civil service examination.