Una sa Balita

4 binata timbog sa nilakong damo

0 259

Higit sa 100 gramo ng pinatuyong marijuana ang nasamsam sa dala­wang menor de edad, at dalawang kasama­han nila sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Imus City, Cavite.

Hawak ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga naarestong menor de edad na itinago sa pa­ngalang ‘Jhonny’, 17, out-of-school youth at ‘Justin’, 16, senior high school student habang nakakulong naman sa Imus City Custodial Center ang kasama nitong sina Joel Bautista, 18, at Lester Mendoza, 21.

Sa ulat ni PSSgt. Mak Joseph Jader ng Imus City Police, alas-12:30 kahapon ng hatinggabi nang unang isinagawa ang buy-bust ope­ration sa Brgy. Palico 1, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jhonny. Nakuha sa kanyang pag-ii­ngat ang tinatayang P64.1 gramo ng pinatu­yong marijuana na may street value na P3,400.

Sumunod namang nahuli sina Justin, Bautista at Mendoza at narekober sa mga ito ang tinatayang 104.3 gramo ng pinatuyong marijuana na may street value na P4,400.

Ayon kay Jader, tila garapalan muli ang pagbebenta ng pinatuyong dahon ng marijuana dahil bumaba ang presyuhan at dumarami ang suplay. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More