Una sa Balita

4 bata patay sa pulmonya

By
0 9

Nababahala na ang pamahalaang panglalawigan ng Cagayan sa tumitinding sakit na pulmonya sa kanilang lugar matapos kumpirnahin na magkakasunod na namatay dahil sa pulmonya, ang apat na batang katutubong Agta sa Sitio Valley Cove, Brgy. Sta. Margarita, Baggao.

Base sa pahayag ni Brgy. Chairman Norman Molina, binawian na ng buhay matapos dapuan ng sakit na pulmonya ang tatlong bata na nasa 3-day old pa lamang, tatlong buwan, at dalawang tig-isa at kalahating buwang gulang ang edad.

Napag-alaman na malala na ang dinaranas na pulmonya ng mga nasawi nang dalhin ang mga ito sa pagamutan kung kaya’t hindi na naagapan ang mga ito.

Nabatid na malayo sa sentro ng bayan ng Baggao ang Sitio Valley Cove, kung saan maglalakad ka ng isang araw bago marating, na marahil dahilan ng hindi agad naisugod sa ospital.

Base sa pagsusuri, ka­pag hindi naagapan ang pulmonya, maaaring magkaroon ng sepsis kung saan lumilipat ang mikrobyo sa dugo at kumakalat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ito ay nakakahawa.