Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 ‘bata’ ng nanalong mayor, VM inambus

0 102

Patay ang mag-asawang supporter ng mga nanalong kandidato habang sugatan ang dalawa pa nilang kaanak matapos silang tambangan at ratratin ng hindi pa nakikilalang grupo ng mga suspek sa Lantawan, Basilan noong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ni Basilan police Director Col. Pedro Martirez ang mga biktima na sina Omar Manasal, 37-anyos, at asawang si Nurmina, 39. Agad na namatay ang mga ito matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakaligtas naman sa pananambang ang mga kaanak nilang sina Sandar Manasal, 45, at Benhad Manasal, 44, na ginagamot sa isang ospital dahil sa tinamong mga sugat sa pananambang.

Ayon kay Martirez, kasama ang mga biktima sa naka-convoy na mga sasakyan na bumabagtas sa Isabela City nang pahintuin sila ng mga suspek at paulanan ng bala sa Brgy. Matikang sa bayan ng Lantawan bandang alas-11:00 ng umaga.

Nabatid na mga kaanak ni dating Kagawad Suhod Manasal ng Brgy. Bagbagon ang mga biktima na kila¬lang supporter ng mag-asawang Nursiya at Rustam Ismael na kapwa iprinoklamang nanalo sa pagka-mayor at vice mayor sa Lantawan noong Miyerkoles.

Leave A Reply

Your email address will not be published.