Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 Barangay sa Cavite ginapang ng sunog

0 182

APAT na Barangay o 760 na kabahayan ang naapektuhan nang lamunin ng apoy ang kanilang tirahan sa naganap na sunog sa Cavite City Sabado ng hapon.

Kabilang sa mga naapektuhang kabahayan ay mga residente sa Brgy 24, 25, 26 at 27, pawang sa Cavite City.

Sa ulat ni PSSgt Jerrywin Saenz, ng Cavite City Police Station, alas-2:15 kamakalawa ng hapon nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Brgy 24, Cavite City at mabilis na gumapang ang apoy at nadamay ang katabing mga kabahayan kaya idineklara ang ikatlong alarma alas-2:18 ng hapon.

Hindi pa rin agad naapula ang apoy dahilan upang ideklara itong 5th alarm ni C/insp Baybay ng Cavite City Bureau of Fire Protection kung saan gumapang pa ito sa katabing mga Barangay 25, 26 at 27.

Dahil sa nasabing alarma, rumesponde ang 26 fire trucks ng BFP sa iba’t ibang Lungsod at munisipalidad at 32 iba pang fire truck mula sa mga fire volunteers.

Dakong alas-4:35 kamakalawa ng hapon nang itala itong fire under control at alas-5:10 ng hapon nang ideklarang fire-out.

Ang mga naapektuhang pamilya ay dinala sa Ladislao Diwa Elementary School sa Cavite City bilang pansamantala nilang tirahan.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.