Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 bangkay narekober sa lumubog na barko

0 159

Narekober na ang bangkay ng apat na mangingisda mula sa lumubog na fishing vessel sa hilagang bahagi ng Cebu, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Lunes.

Ayon sa PCG, ang mga katawan nina Norberto Parlotzo at Rommel Engle ay natagpuan ng mga local diver noong Sabado ng gabi.

Samantala, Linggo ng hapon naman nang makita ang katawan nina Julit Salvo at Victor Calvo.

Mayroon pang isang bangkay na narekober ang PCG nitong Linggo ngunit ‘di pa tukoy ang pagkakakilanlan nito.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang search and rescue operations para sa lima pang nawawalang mangingisda.

Batay sa ulat, noong Biyernes ay sinalubong ng malalaking alon ang kanilang fishing vessel na naging sanhi ng paglubog nito sa baybaying malapit sa Tanguingui Island sa Cebu. (MJD/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.