Una sa Balita

4-anyos patay sa sunog

0 269

NASAWI ang isang 4-anyos na lalaki nang maiwan sa loob ng nasunog nitong bahay kamakalawa nang gabi sa Iloilo City.

Patay na nang matagpuan sa loob ng banyo ng nasunog nilang bahay sa Brgy. Rizal ang biktimang si D­aniel John Peralta, habang ligtas naman ang mga magulang nito at dalawang batang kapatid.

Sa imbestigasyon ni Iloilo City Bureau of Fire Protection (BFP) Fire marshal Christopher Regencia, dakong alas-nuebe nang sumiklab ang sunog sa nasabing lugar.

Dahil sa gawa sa kahoy at iba pang light material ang mga bahay doon ay agad na kumalat ang apoy sa iba pang kabahayan kabilang ang bahay ng pamilya ng biktima.

Subalit sa pagmamadali ng mga magulang ni Daniel John ay dalawa lang sa kanyang mga kapatid ang nakuha nito habang naiwan ang biktima sa nasusunog na bahay.

Agad na naapula ang apoy ng mga rumespondeng bombero, gayunman nang puntahan ang nasunog na bahay ng pamilya Peralta ay doon na nila nakita ang bangkay ng bata sa loob ng banyo.

Teorya ni Regencia, posible umanong nakasarado ang pinto kaya hindi agad nakalabas ng bahay ang biktima dahilan upang magtungo ito sa loob ng banyo at doon namatay.
Lumalabas din na tatlong kabaha­yan ang natupok sa lugar at tinatayang aabot sa P75,000 ang halaga ng ari-ariang natupok habang patuloy ang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng sunog. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy