Una sa Balita

4 anak, pamangkin binaboy ni tatay

0 354

ARESTADO ang isang 41-anyos na dating overseas Filipino wor­ker (OFW) matapos itong ireklamo ng panggagahasa ng apat na menor de edad, kabilang ang kanyang da­lawang anak at dalawang pamangkin sa Ali­tagtag, Batangas.

Ayon kay P/Capt. Edu­ardo Timbol, hepe ng Alitagtag Police, agad nagsagawa ng ope­rasyon ang mga awtoridad at naaresto ang suspek na si alyas ‘Johnny’ sa bahay nito sa Brgy. Muzon 2nd, alas-6:30, Linggo nang gabi.

Una rito, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang apat na bata kasama ang kanilang mga guardian at isinalaysay ang ginagawang panghahalay ng suspek.

Lahat umano sila ay pinaghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan at ipinasok ng suspek ang kanyang daliri sa kanilang mga ari sa magkakahiwalay na pagkakataon noong mga nakaraang araw.

Nangyari ang pang­hahalay sa bahay ng suspek kunsaan kasama nitong nakatira ang dalawang anak na isang 14 at isang 12-anyos.

Wala naman sa bahay ang nanay ng da­lawang bata na isa ring OFW.

Ginagawan din umano nito ng kaparehong kahalayan ang dala­wang pamangkin na isang 14 at 11-an­yos kapag ang mga ito ay nakikitulog sa bahay ng suspek.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Alitagtag Police station locked up facility at inihahanda na ang patong-patong na kasong rape laban dito. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy