Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 Abu Sayyaf timbuwang sa sagupaan

0 27

Patay ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang isa pa ang arestado matapos makaengkuwentro ang Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Barangay Balobo, Lamitan City, Basilan nitong Huwebes.

Kinilala ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang nasawing sina Baradi at Remie Ganie, Mando Morales at Jack Akalul. Naaresto naman si Dawam Morales, pawang miyembro ng ASG sa pamumuno ni ASG Sub Leader Radzmil Jannatul.

Sa ulat ni SAF Commander Police Major General Felipe Natividad kay Eleazar, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng 84th Special Action Company ng Rapid Deployment Battalion; 53rd at 54th Special Action Battalion ; Provincial Mobile Force Company; Regional Mobile Force Battalion BASULTA; Lamitan City Police; PNP Drug Enforcement Unit; at Basilan Provincial Police Office laban sa mga suspek kung saan isinilbi ang warrant of arrest laban sa mga ito sa kasong murder, kidnapping at carnapping sa Barangay Balobo ng nasabing lungsod nitong Huwebes ng hapon.

Imbes na sumuko, nanlaban ang mga suspek dahilan upang magkasagupaan na ikinasawi ng apat.

Nakuha pinangyarihan ng engkwentro ang isang KG9 Cal. 9mm submachine pistol; Cal. 45 pistol; shotgun; Cal. 30 at mga basyo ng bala. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.