Una sa Balita

$4.8B investment bitbit ni PDu30 mula sa SoKor trip

By
0 3,914

Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang matagumpay na tatlong araw na official visit sa South Korea.

Sa kanyang talumpati kamakalawa ng kagabi pagdating sa bansa, sinabi ng Pangulo na naging mabunga ang kanyang biyahe at nakakuha ng mga kasunduan at mga pamumuhunan na tinatayang nasa $4.8 bilyon at inaasahang magbibi­gay ng mula 20,000 hanggang 25,000 na mga bagong trabaho.

Sinabi ng Pangulo na pinatunayan ng South Korea ang pagiging tunay na kaibigan at inaasahang mas lalalim pa ito sa mga darating na araw.

“Indeed, the Republic of Korea is a true friend of the Philippines. And President Moon an even closer ally. Our friendship is reaching a new maturit­y at even closer as deep and abiding friends. It is reaching on the level of mutual respect for each other, and our relations will only grow stronger in the years to come,” anang Pangulo.

Bahagi ng official visit ng Pangulo sa South Korea­ ang pakikipagkita sa Filipino community at naramdaman nito ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kababaya­n.

Tiniyak ng Pangulo sa mga Pinoy sa South Korea na lalo pang magsisikap ang gobyerno para maisulong ang interes, kaligtasan at maprotektahan ang karapatan ng lahat ng mga Filipino.

“I gave them my commitment that their go­vernment will continue to work hard to advance their interests, protect their well-being and uphold their rights,” dagdag pa ng Pangulo. (