Una sa Balita

4.7M Pinoy walang matinong kubeta

0 440

PARA maiwasan ang pagkalat ng sakit at matiyak na may maa­yos na tirahan ang lahat ng Pinoy ay hinikayat ni Senador Leila de Lima ang pamahalaan na punan ang kakulangan ng maayos na palikuran sa buong bansa.

Ayon kay De Lima, chair ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development nalalagay sa panganib ang kalusugan at nutrisyon ng mga Pinoy dahil sa kakulangan ng malinis na tubig at hindi maa­yos na palikuran.

“There is no doubt: To ensure toilet access, clean water and sanitation is to uphold a basic human right to health and dignified living,” pahayag ni De Lima sa paggunita ng international commemoration ng World Toilet Day.

Ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 19 ang World Toilet Day na naglalayong talakayin ang global sanitation crisis upang makamit ang Sustainable Development Goal 6 at mabigyan ng maayos na sanitas­yon ang lahat pagda­ting ng 2030.

Batay sa datos ng World Health Organization, kalahati ng populasyon sa mundo ay walang sapat na sanitasyon habang 673 milyon katao worldwide ay gumagamit ng open defacation.

Sa Pilipinas, 4.5 porsiyento o 4.7 mil­yong Pinoy ang walang palikuran habang 24 porsiyento naman ang gumagamit ng hindi maayos na sanitation facility lalo na sa mga rural na komunidad at mga paaralan sa bansa.

Para matugunan ang problemang ito, nanawagan ang senadora sa mga national agency at mga lokal na opisyal na ipatupad ang probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 11315 o Community-Based Monitoring System (CBMS) Act. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More