Una sa Balita

3×3 Elite League Manila didribol na

0 218

SA bihirang pagkakataon ay naimbitahan kaming mga PBA Legends kabilang sina Bal David, Bong Alvarez, Willie Miller, Allan Caidic at ang inyo pong lingkod ng pinaka-popular na web app na AMAZON 12 sa kanilang opening ng inter-department sa Olivarez Gym Parańaque City nitong Sept. 14, Sabado.

Napakasaya ng opening dahil sa mga banda at sumama ang PBA Legends sa parada kasama ang kanilang respective teams.

Nagkaroon ng free throw at 3-point shooting contest kasama ng mga Legends at ang mga empleyado ng kanilang respective teams at siyempre ang pagpili ng Best Muse.

Dumating din si DJ Papa Jack at host ng MPBL na si Martin Antonio.

Ang nagpatakbo ng event ay grupo ng Kalye Liga ni Atty. Brian Pellazar, PBA Legends Bonel Balingit at EJ Fiehl. Ito ay suportado ng mismong PBA Legends.

***

Tatlong araw na lang 3×3 Elite League Manila na sa Sept. 20-21. Gaganapin ang laro sa Dumlao Sports Center sa Mandaluyong City at sa Sept. 22 sa Ayala Market! Market! Sa Taguig City naman gagawin ang finals.

Ang premyo sa magcha-champion ay $3,000; runner-up $2,000 at ang 2nd runnerup ay $1,000

Ang champion team ay may pag-asang mag-represent ng Pilipinas sa Sina 3X3 Elite League 2019 sa Beijing, China. Ang mga lalahok dito ay mga matitinding bansa na US, New Zealand, Korea, Japan at China sa Dec. 2019.

All expenses paid ito. Magp rehistro lang sa murang halaga na P4,000 kasama na ang reversible jersey. Mga pwedeng sumali ay edad mula 18-40 years old.

Para sa iba pang mga katanungan, please call 0906-5085861 o 0927-3780785.

Kaya sali na habang meron pang ilang slots na natitira.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy