Una sa Balita

3RD WIN ASAM NG 3 TEAMS

By
0 1

[mstw_league_standings league=pba season=2016-2017-philippine-cup-eliminations]

Games ngayon:
(Smart Araneta Coli­seum)
4:15 p.m. — Blackwater vs. Rain or Shine
7:00 p.m. — Meralco vs. TNT KaTropa

Third straight win ang kokontakin ng TNT KaTropa laban sa back-to-back na Meralco, habang third victory din ang mga pakay nang mga baba­ngon sa hu­ling tilapong Rain or Shine at Blackwater para masolo o makatabla sa leadership ngayon sa 2016-2017 PBA Philippine Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum.

Seven evening ang walang utul-utol na gripuhan nang nasa six-way sa lead na TNT (2-1) at kabuhol sa seventh na Meralco (1-1) samantalang 4:15 afternon ang paghahalo ng RoS (2-1) at Blackwater (2-1).

Pagkalasog sa Elasto Painters nung Nobyembre 23 87-101, nag-alsa ang Texters sa pagbalikat ni Ranidel de Ocampo upang mabalasa ang Go­vernor’s Cup champ Ginebra makaraan ang apat na araw 108-103 saka nagbalik si Jayson Castro upang rendahan ang pagkuyog ng 99-92 decision sa Blackwater.

Kaya alerto ang Bolts na mula sa 84-86 upset loss sa Elite ay agad naka­buelo sa pagtrangko nina Chris Newsome at Ed D­aquioag para makur­yente ang NLEX nung Sabado 106-93.

“Slowing down the high scoring combo of Jayson and Ranidel will be our main focus, but we will also have to keep track of their shooters,” bulalas ni Bolts coach Norman Black. “Once again defending them will be the key.”

Hinirit ni Black na malaking pagsubok sa kanyang kampo ang Ka­Tropa na isa sa mapu­pwersang team sa liga kaya kailangang galingan ng kanyang mga bataan para mahakbangan ito.

Babawi naman ang Elite  mula sa pagkalagot ng kambal na ragasa sa RoS na gusto ring makaresbak sa 74-81 defeat sa Gin Kings. Sina Raymond Almazan at James Yap lang ang may ma­tingkad na nilaro sa opensa sa brotsang 13 points at 15 rebounds at 10 pts., ayon sa pagkakasunod, laban sa Ginebra.

“After losing our game vs TNT last week, we will try our very best to bounce back and get a win vs RoS,” ani Blackwater coach Leo Isaac na kina Mac Belo John Nard Pinto pangunahing aasa.