Una sa Balita

3rd Triple Crown lalarga sa Linggo

0 233

MULING magkikita sa pista sina Real Gold at Boss Emong matapos lumabas ang listahan ng mga nagdeklara ng pagsali sa magaganap na 2019 PHILRACOM “3rd Leg Triple Crown Stake Race” na pasisibatin sa Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City Batangas.

Hinayag ng Philippine Racing Commission ang mga sasali sa nasabing event na nakataya ang P1.8M na premyo sa may-ari ng mananalong kabayo, bukod kina 1st leg winner Real Gold at 2nd leg ruler Boss Emong, magbibigay din ng magandang laban sina Jayz, My Dad Bogart, My Jopay, Shanghai Grey at Sir Joaquin.

May guaranteed prize na P3M, mag-uunahan sa meta ang pitong kalahok sa distansyang 2,000 metro.

Inaasahang nakatutok ang mga horse owner at trainer kina Real Gold at Boss Emong subalit maraming karerista naman ang sumisilip sa kanilang makakalaban.

“Kahit sino puwedeng manalo diyan, malaki ang premyo at lahat ‘yan naghanda,” saad ni Timothy Garcia, karerista.

Nakalaan naman ang P675,000 para sa second placer habang P375,000 at P150,000 ang maiuuwi ng third at fourth.

Kakalawitin ng owner ng winning horse ang P150,000 mula sa PHILRACOM.
Tantya ng iba na dehado ang mananalo sa 3rd leg dahil parehong dehado sina Real Gold at Boss Emong nang huma­blot ng korona sa Triple Crown series. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy