Una sa Balita

3rd MVP kuha ni Valdez pero Creamline sadsad do-or-die!

0 303

do-or-die!

Finals Game 3 ngayon: (Ynares Center/Antipolo City)
2:00pm — Pacific Town vs BanKo Perlas (battle for 3rd)
4:00pm — Creamline vs PetroGazz (Finals/Game 3)

UMAHON sa unang set  kabiguan ang PetroGazz Angels bago angkinin ang 15-25, 25-22, 25-22, 25-12 win sa Game 2 at makahirit ng do-or-die sa best of three finals ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Nakahirit din ng sari­ling rubbermatch Game 3 ang Pacific Town Army nang bawian ang BanKo Perlas Spikers 25-23, 20-25, 25-20, 25-23 sa unang laban.
Samantala’y tinanghal muli na Most Valuable Player sa torneo si Alyssa Valdez ng Creamline ma­liban pa sa nakamit nito na karangalan bilang 2nd Best Open Spiker.

Nakamit naman ni Nicole Tiamzon ng BanKo Perlas ang pagi­ging 1st Best Open Spiker habang iniuwi ni Angeline Marie Gervacio ng Banko Perlas ang 1st Best Opposite Spiker. Nakamit ni Katherine Adrielle Bersola ang 1st Best Middle Blocker­ habang nakuha ni Cherry Rose Nunag ng PetroGazz ang 2nd Best Middle Blocker.

Iniuwi ni Julia Meli­ssa Morado ang pagi­ging Best Setter habang si Angela Nunag ng Pacific Town Army ang Best Libero. Napunta naman ang Best foreign player kay Wilma Salas ng PetroGazz.

Sinandigan ng PetroGazz ang import na si Janisa Johnson na nagtala ng kabuuang 23 puntos, 18 mula sa atake, dalawa sa blocks at tatlong ace upang itabla ng Angels ang tatlong larong serye sa tig-isang panalo.
“We just want to play out there and it is so good that we were able to win his game,” sabi ni Johnson. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy