Una sa Balita

3M PINOY SA US DELIKADO SA PANALO NI TRUMP

By ,
0 5

Nasilat ni Republican presidential candidate Donald Trump si Democratic candidate Hillary Clinton para maging ika-45 pangulo ng Estados Unidos.

Sa botong 289 electoral votes, nakuha ni Trump ang panalo laban sa pambato ng Democratic Party at dating Secretary of State na si Clinton na nakakuha lamang ng 218 electoral votes.

Personal na ring tinawagan ni Clinton si Trump upang batiin sa panalo nito at tanggapin ang pagkabigo sa eleksyon.

Abante Hiring – IT dep

Napanalunan ng walang anumang political experience na si Trump, 70-anyos, ang 26 na mga estado.

Bunsod ng panalo ni Trump na kilalang anti-immigrant, delikado na umanong mapauwi ang may 3 milyong Filipino na ilegal na nakatira sa Amerika.

“Sa kampanya pa lang, lagi niyang dinidiinan na anti-immigrant siya. So we must have to be watchful giving that there are more than three million Filipinos ngayon sa Amerika. Mas marami d’yan ay mga illegal immigrant,” ayon kay ACTS-OFW Aniceto John Bertiz.

Dahil dito, nanga­ngamba ang mambabatas na kapag nagsimu­la na si Trump sa panu­nungkulan sa Enero 2017 ay sisimulan na nito ang paglilinis sa mga illegal migrant sa kanilang bansa.

“So ang tanong, are we prepared kay Trump…sa kanyang foreign policy sa mga migrant,” ayon pa kay Bertiz.

Samantala, nagpa­abot ng mainit na pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaka­panalo ni Donald Trump bilang bagong presidente ng Amerika.