3K taxi unit ng Hype, aarangkada sa holiday season
By Dolly CabrezaGoodbye sa mga isnaberong taxi driver/operator ngayong nalalapit na ang holiday seasons dahil mahigit sa 3,000 taxi operators na ang nakiisa at sumapi sa kampanya ng HYPE Transport System.
Sa darating na buwan ng Oktubre ay ilulunsad ng HYPE ang kanilang sistemang transportasyon na makatutulong ng malaki para sa mga pasahero, lalo na ngayong nalalapit na holdiday season.
Ayon kaya Nicanor Escalante, presidente ng Hype Transport System, Inc., mahigit sa 3,000 sa 7,000 taxi unit na sumapi sa kanila ang sumailalim na sa kanilang mga procedure, guidelines at may Hype app na ang maghahatid ng ‘safe’ saan mang destinasyon ng kanilang magiging pasahero.
Aniya, bilang bahagi ng kampanya ng Hype na ma-upgrade ang ‘over all rider experience’, partikular sa taxi cabs gamit ang HYPE app, kinausap at pinulong nila ang mga taxi operator, at inalok na lumagda sa kanila ng manipesto upang maresolba ang mga suliranin at mas mapabuti at ligtas na makauwi sa kanilang mga tahanan ang taxi commuters, at ito ay sinuportahan umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
“In as much as we in HYPE recognize the importance of further enhancing and developing the key transportation service given by our gallant taxi operators and taxi drivers in easing the woes of our passengers, we also recognize that there is a need to provide proactive solutions to the various issues raised by the riding public,” paliwanag ni Escalante.