Una sa Balita

$3B proposal sa retoke ng NAIA, pinag-iisipan ng DOTr

By
0 3,147

Masusi pang pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) ang unsolicited proposal ng Megawide Corp. na maglalaan ng $3 billion para sa improvement ng landside, terminal, at airside facilities ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasalukuyang inaanalisa pa ng DOTr at Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga dokumento at requirements ng GMR-Megawide bago i-submit sa National Economic Development Authority na siyang mag-aapruba ng original proponent status (OPS).

“Kailangang sumunod sa rules at ma-evaluate muna ang proposal bago aprubahan,” ayon sa pamunuan ng DOTr.

Nabatid na kapag na-aprubahan na ang OPS, ang nasabing proposal ay dadaan sa Swiss Challenge na kung saan magbi-bidding ang ilang kompanya at mapipili kung sino ang nararapat na kompanyang mag-aayos ng NAIA.

Sa kabila nito, handa ang GMR-Megawide sa kanilang proposal para sa rehabilitasyon ng NAIA na kung saan ay naglaan sila ng tatlong Phase na proposal.

Nakasaad sa Phase 1a ang improvement ng NAIA airside capa­city and terminal, Phase 1b ay ang pagdadala ng NAIA tungo sa world-class efficiency standards at ang Phase 1c na pagpapatupad ng maayos na paliparan hanggang sa susunod pang mga taon.

Ayon sa DOTr, ang proposal ng GMR-Megawide ay may mababang project cost at mas maikling concession period kumpara sa NAIA Consortium na mayroong PHP350 billion­ at nakatali sa 35-year project concession.