Una sa Balita

39 miyembro ng UN, pumalag sa war on drugs ni PDu30

0 24

Kinalampag ng 39 bansang kasapi ng ­United Nations (UN) ang admi­nistrasyong Duterte dahil sa mga extrajudicial kil­lings (EJKs) sa drug war ng administrasyon.

Sa joint statement na inilabas ng Iceland, nanawagan ang member-states sa Pilipinas na imbestigahan ang mga pata­yan at protektahan ang karapatang-pantao ng mamamayan.

Iginiit din nila sa Pili­pinas na makipag­tulu­nga­n sa international com­munity sa pagdaraos ng imbestigasyon sa mga patayan alinsunod sa ‘universal principles of democratic accountabili­ty and the rule of law’.

Kabilang sa mga bansang lumagda sa joint statement ay ang Australia, Austria, Belgium­, Bulgaria, Canada, Croa­tia, Cyprus, Czech Republic, Denmark, Esto­nia, Finland, France, Georgia, Ger­many, Greece, Iceland, Ireland, Italy, Latvia, Liechtenstein, Lithuania, Luxem­bourg, Macedonia, Malta, Moldova, Montenegro, Norway, ­Poland, Portugal, Romania, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, Switzerland, The Netherlands, UK, Ukraine, at United States.

Kamakailan lamang ay humarap sa UN Ge­neral Assembly si Fo­reig­n Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at nanindigan na ang war on drugs ng adminis­tras­yong Duterte ay paraan para mapangalagaan ang karapatang-pantao ng mamamayan.