Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

38 dedo sa Myanmar protest – UN

0 99

Naging mas madugo pa ang nagaganap na protesta sa laban sa kudeta ng militar sa Myanmar nang mapatay ang 38 katao nitong Miyerkoles, ayon sa United Nations (UN).

Pinaigting umano ng mga seguridad ang kanilang pagtugon laban sa mga nagpoprotesta na simulant noong Pebrero 1. Ayon sa ulat gumamit na ang security forces ng tear gas, flash bang at stun grenade.

Ayon kay Special Envoy Christine Schraner Burgener, naging madugo na ang protesta nasa 50 na ang kabuoang bilang ng nasawi. Habang nasa 1,200 naman ang kinulong.

“We need a unity of the international community, so it’s up to the member states to take the right measures,” ayon pa sa opisyal.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.