Una sa Balita

36 pamilya inilikas sa Baguio City

By
0 1,564

PATULOY pa rin na nanunuluyan ang 36 na pamilya o 155 indibidwal sa evacuation center sa Baguio City dahil na rin sa patuloy na pagbagsak ng ulan.

Sinabi ng Office of Civil Defense-Cordillera (OCD-Cor), sa 61 na pamilya o 273 katao sa Cordillera region ang apektado sa patuloy na pag-ulan sanhi ngsama ng panahon.

Ayon sa monitoring division ng OCD-Cor, tinatayang na sa 40 na pagguho ng lupa at pagkasira ng riprap ang nangyari sa Cordillega region.

Sa datos naman ng OCD-Cor, nasira naman ang 20 kabahayan sa Baguio City kung saan 13 sa mga ito ang partially da­maged at pito ang totally damaged.

Ayon pa sa report, aabot sa 22 paaralan sa rehiyon ang nasira dahil sa malakas na ulan habang nananatiling sarado ang sampung national road section sa Cordillera.

Kahapon, naranasan pa rin sa Baguio City ang mahina hanggang sa malakas na pag-ulan ngunit wala namang naidelarang suspension ng klase.