Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

355 aftershock naitala sa Bukidnon quake

0 53

Umabot na sa 355 ang naitalang aftershocks ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa naganap na 5.7 magnitude quake sa Bukidnon noong Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs ang pinakamataas na aftershocks ay nasa 5.2 magnitude habang ang pinakamababa ay nasa 1.5 magnitude.

Sa nasabing mga aftershock, 106 dito ay naramdaman sa epicenter ng lindol sa bayan ng Kadingilan sa Bukidnon province.

Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na asahan pa na may magaganap na aftershocks sa mga susunod na araw.

Ang lindol noong Lunes ng alas-10:48 ng gabi sa Bukidnon ay resulta ng active fault sa lugar, dahil 3km lamang ang lalim ng pagyanig ay naramdaman ito sa ibat ibang lugar. (Tina P. Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.