Una sa Balita

3,500 dayuhan naharang ng BI noong 2018

0 366

TINATAYANG mahigit 3,500 dayuhan ang pinagbawalang makapasok ng Bureau of Immigration (BI) sa bansa sa unang 10 buwan ng taon, na itinuturing na ang kanilang presensya ay maa­aring makapinsala sa pambansang ­interes.

Sa isang ulat na tinanggap ni BI Commissioner Jaime Morente, may kabuuang 3,528 dayuhan na may iba’t ibang nasyunalidad ang tinanggihan sa iba’t ibang internasyonal na paliparan sa buong bansa.

Ayon sa ulat, tulad ng inaasahan, karamihan sa mga dayuhan na halos 3,000 ay itinaboy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang ang iba ay naharang sa mga paliparan ng Mactan, Clark, Kalibo, Aklan at Davao.

“These aliens were turned back after conduct of secondary inspection by our immigration officers. They were properly assessed and thereafter were found to be unfit for admission into our country,” ayon pa sa ulat.

Kasabay nito, binalaan ng BI ang mga dayuhan na may mga motibo o plano sa pagpasok sa Pilipinas na mag-isip muna nang dalawang beses dahil hindi sila makakalusot sa mga information officers (IOs) sa mga daungan ng entry.

Nangunguna dito ang 1,508 bilang ng Chinese nationals sa talaan ng mga naipatapong dayuhan, sinundan ng 262 Indians, 151 Americans at 138 Koreans.

Kabilang sa mga ito ang nakarehistrong sekswal na nagkasala, wanted na mga pugante, pinaghihinalaang mga internasyonal na terorista, blacklisted na dayuhan, at dating deportadong mga dayuhan na nagsisikap na muling pumasok sa bansa.

Makikita din sa talaan ng BI na three-fourths na bahagi ng mga ibinukod na dayuhan ay nakita bilang mga public charges o mga taong walang nakikitang paraan ng suporta at ang hangarin pagdating dito ay pinaghihinalaan. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy