Una sa Balita

35 sugatan sa Air Canada flight

0 346

Sugatan ang may 35 pasahero matapos na makaranas ng turbulence ang sinasakyang Air Canada flight habang patungo ang eroplano sa Sydney.

Sinabi ni Peter Fitzpatrick, spokesman ng Air Canada na galing ang eroplano sa Vancouver, Canada at papunta sana ang Flight AC33 sa Sydney, Australia pero nag-divert ito sa Daniel K. Inouye International Airport sa Honolulu, Hawaii.

Nalaman na dalawang oras na umanong binabagtas ng Boeing­ 777-200 plane ang himpapawid nang bigla na lamang itong makaranas na matinding air turbulence.

Nabalot umano ng takot ang may 269 pasahero ng naturang eroplano.

“Our first priority is always the safety of our flights, passengers and crew and as a precaution, medical personnel are on standby to assist passengers in Honolulu,” ayon kay Fitzpatrick.

Pansamantala, isinaayos muna ng Air Canada ang panganga­ilangan ng mga pasahero, kabilang na ang hotel accommodations at pagkain sa Honolulu, gayundin ang option na muling magpa-book ng flight. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy