Una sa Balita

35 school-club sumanib sa AMA CUP season 2

By
0 191

NAGKAROON ng pagpupulong nitong nakalipas na araw, Agosto 18,2018 sa AMA University-Ampi Theater na dinaluhan ng iba’t ibang eskwelahan at club teams.

Ikinatuwa naman ito ng ating AMA Chairman Amb. Amable R. Aguiluz V & President Dr. Amable C Aguiluz IX na adhikain ang magkaroon ng pagkakaisa ang bawat eskuwelahan, ga­yundin ang mabig­yan ng pagkakataon ang mga manlalaro na ma-experience na makalaban ang iba’t ibang klaseng pla­yers mula sa maliit at malalaking eskwelahan at club team.

   Isa sa nakita na­ting team na magbibigay ng magandang laban ay ang Christian Family Centre School Foundation INC sa pamumuno ng kanilang masigasig na may-ari na si Ginang Josefina Corpuz na nakatutok sa kanyang sports program, kung saan marami na ring nakamit na kampeo­nato sa larangan ng basketball.

Abante Hiring – IT dep

Gayundin ang club team na Rumors Basketbol sa Brgy. Holy Spirit Quezon City na pinamumunuan ng team owner na si Marlon Cansino at kanyang coach na si Eugene Ocampo. Ang team na ga­ling Montalban na M Dragon sa pamumuno ng team owner na si Allan Mondragon, Team captain Louis Mondragon at kanyang head coach na si Yong Catequista na mayroon ding basketball camp na tinatawag na CYB basketball at ito’y kayang makipagsabayan sa malalaking eskuwela at club teams. Ang ligang AMA Cup season 2 ay libre – walang tournament fee.

***

Isa sa ipinagmamalaki nating mga Pinoy ngayon ay ang magandang ipinamalas ng Team Pilipinas sa gabay ni coach Yeng Guiao. Kahit natalo tayo sa powerhouse China na may dalawang NBA players ay ipinakita ng PH 5 ang totoong tinatawag na ‘puso’.

Labis ang saya ni coach Yeng sa galing ni Jordan Clarkson, na walang ka ere-ere at hindi mo masasabing isa siyang aktibong NBA pla­yer kung saan ipinakita niya ang pagiging isang ordinaryong player na gusto lang magsilbi sa kanyang bayan. Mabuhay ka!