Una sa Balita

35 patay sa airstrike

By
0 150

Aabot sa mahigit sa 35 sibilyan ang nasawi habang 50 iba pa ang sugatan sa airstrike na isi­nagawa sa bansang Syria.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse (AFP), pinaulanan ng airstrike ng Turkey for­ces ang pinaghihinalaang kuta ng te­roristang Islamic State Group (ISG) jiha­dists at Kurdish militia.

Sinabi ni Rami Abdel Rahman, ng Syrian Observatory for Human Rights, maliban sa airstrikes ay may artillery na isinagawa ang Turkey sa Jeb-el-Kussa.

Tinarget ng nasabing pag-atake ang dating kuta ng ISG  sa Jarabulus.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy